Ang tunay na kaibigan ay mamahalin ka at tutulungan kang ibangon ang sarili mo sa panahong lugmok ka sa iyong buhay at wala kang nakakapang pag-asa.
Hindi dapat siya nagbibilang ng iyong mga kasalanan at kamalian sa halip ay iniintindi ka dahil siya /sila ang binigyan mo ng karapatang kilalanin ka at hindi dapat nakikipagt-kompetensiya sa'yo pagdating sa talino at galing na walang hinagad kundi ang maungusan ka na nagiging dahilan ng inyong mga hindi pagkakaintindihan at lihim na galit. Ano paba ang gusto niyang mapatunayan kung alam na niya at ng lahat na magaling talaga siya?? Kayabangan lan iyon.
Ang tunay na kaibigan ay marunong rumespeto sa'yong mga opinyon at desisyon sa buhay pero hindi ka pinapabayaan sa mga paalala kung minsan ay hindi na tama ang mga opinyon mo..Mamahalin ka nila/niya bilang isang ikaw at hindi dahil kailangan ka niya/nila para sa kaniyang pansariling interes.
Pasensiya na nagkadouble post ang pic hindi ko sinasadya
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento