Malimit nating naiisip na ang pikikipagbarkada ay nakaka-lihis ng landas. Malimit itong naiuugnay sa mga masasamang gawain tulad na lamang ng pagkalulong sa bisyo, pagiging rebeldeng anak, pagiging marahas at kung anu-ano pa.
Habang tayo ay mga bata pa lamang, madalas na ang ating mga magulang ang pumipili kung sino ang ating kakaibiganin o kung sino ang ating dapat kasama. Gusto siguraduhin na ang ating mga kaibigan ay makakaimpluwensya upang tayo ay mahubog sa mga mabuting Gawain at asal.
Ang mga madalas nating kasama an gating nagigikng basehan n gating Gawain at mga kaugalian. Hindi lamang ito ang mga kaibigan natin kundi ang mga taong nakakasalamuha natin sa araw araw. Kasama dito ang mga mag-aaral sa ating silid aralan, mga nakakasabay sa paguwi, at mga mukhang nakikita natin sa paglalakad at kung saan saan pa.
Natural lang na i-kompara natin ang ating sarili sa ibang tao na gusto natin gayahin dahil sila ay nakakapagbigay pansin sa marami. Pero hindi naman ito para sa lahat dahil may mga tao rin na ayaw masyado ng nakakasama.
Sa kagustuhan ng isang tao na makibagay sa isang grupo, napipilitan silang gayahin ang mga Gawain na kanilang nakikita. Pati rin sa mga bagay o suot na mayroon ang barkada ay kanila ring pilit tinatangkilik upang sila ay makaramdam ng pagtanggap sa kanila bilang miyembro ng grupo.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento